Connect with us

Entertainment

Action Star na si Jeric Raval, Inamin na Habulin ng Babae Noon Kaya Nagkaroon ng 18 na Anak Mula sa 6 Anim na Babae

Walang duda na sa taglay na karisma ng action star na si Jeric Raval ay marami ang babaeng nahuhumaling. Bukod kasi sa taglay na kagwapuhan at matipunong pangangatawan, ay hahangaan rin ang husay ni Jeric bilang action star. Kaya naman, hindi nakapagtataka kung nagkaroon siya ng iba’t ibang karelasyon na babae, dahilan nga ng pagkakaroon niya ng maraming anak.

Sa panayam ng programang “Tunay na Buhay”, ay inamin ng aktor na noong kapanahunan niya ay talagang habulin ng mga babae ang tulad niyang action star. Nagkwento nga ang gwapong aktor sa programa ng kanyang naging buhay noong dekada 90 sa gitna ng kanyang kasikatan sa showbiz.

Ayon nga kay Jeric, ay naging masaya at naenjoy naman niya ang kanyang karera sa showbiz noon bilang action star. Nakasabayan naman niya ang tulad niyang mahuhusay ring mga action star na sina Raymart Santiago at Zoren Legaspi. At habang umaarangkada ang kanyang karera noon sa showbiz, ay minsan na rin umano siyang naikumpara sa iconic action star na si Robin Padilla.

Photo credits: google.com

Samantala, natanong naman si Jeric kung lapitin ba talaga ng mga babae ang mga action star. Sagot naman ng aktor, ay base sa kanyang nakitang naunang mga action star, ay lapitin raw talaga ng mga babae ang mga action star.

“Sa mga nakita ko na mga nauna sa aking action star, sila…lapitin sila.”

Photo credits: google.com

Dito na nga inamin ni Jeric, na sa sobrang lapitin ng babae ang mga tulad niyang action star ay nagkaroon siya ng 18 na mga anak mula sa anim na babae. At ang isa nga sa mga anak niya, ay ang seksing aktres na si AJ Raval na sumunod sa yapak ng kanyang ama sa pag-aartista at gumagawa na rin ngayon ng kanyang sariling pangalan sa mundo ng showbiz. Ang napakagandang si AJ na nagmana rin sa kanyang ama sa husay bilang artista, ay anak ni Jeric sa kanyang dating nakarelasyon at dating aktres na si Alyssa Alvarez.

Photo credits: google.com

Kilala na ngayon si AJ sa showbiz sa kanyang mga sexy roles sa mga pelikula na talaga namang tinatangkilik ng masa. Isa na nga rito ang pinagbidahan niyang sexy-comedy movie na “Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Prnstar”. Ngunit, sa kabila naman ng pagsuporta ni Jeric sa kanyang anak sa pagpasok sa showbiz, ay inamin ng aktor na hindi niya sinuportahan ang nasabing pelikula ni AJ.

“Noong una natutuwa ako sa pagpasok niya sa showbiz, very supportive naman ako.”

“Kaya lang ang ‘di ko lang sinuportahan yung movie niyang ano, yung Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Prnstar.”

Photo credits: google.com

Pagbabahagi naman ni Jeric tungkol sa pagkakaroon niya ng maraming anak, ay hindi naman daw niya pinagdudahan ang kanyang 18 na anak kung talagang siya ang ama at hindi rin siya nakaisip na ipa-DNA pa ang mga ito.

Ayon nga sa aktor, ang mahalaga sa kanya ay kinilala niya ang kanyang mga anak, at nabigyan niya ito ng kasiyahan. Anak man niya o hindi, ang importante raw sa kanya ay walang sama ng loob ang bata.

“Pagpalagay mo hindi mo anak pero in-acknowledge mo, natuwa di ba (yung bata)? Nabigyan mo ng kasiyahan.”

“Eh, halimbawa na anak mo pala talaga ‘yan tapos idinenay mo, eh ‘di napasama mo pa ang kalooban ng anak mo.”

Photo credits: google.com

Lingid naman sa kaalaman ng marami, bago pa man pasukin ni Jeric ang showbiz upang maging action star, ay pangarap raw talaga niya ang maging isang rapper tulad ni Francis Magalona ngunit dinala siya ng tadhana sa pagiging isang action star.

Sa mga hindi rin nakakaalam, bago pa man pasukin ni Jeric ang showbiz ay may asawa na siya. Siya nga si Holiday Buensuceso kung saan ay pinatatag na ng panahon ang kanilang relasyon at halos 30 taon na silang nagsasama bilang mag-asawa. Ngunit, dahil nga kailangang mag-artista ni Jeric at kailangang sumikat ay itinago nila ito sa publiko at pinalabas na binata pa ang action star.

error: Content is protected !!