Connect with us

Showbiz

Abangan: Julia Montes At Nadine Lustre, Magsasama Sa Isang Teleserye

Ang panonood ng telebisyon ay bahagi na ng kultura ng pamilyang Pilipino. Bawat pamilya ay may nakabukas na telebisyon sa kanilang tahanan sa oras ng pamamahinga.

Photo Credit: Eric John Salut Instagram




Talaga nga namang masayang manood ng ibat-ibang klaseng programa sa telebisyon kasama ang pamilya na kung saan ay nagpapawi ng pagod at nagbibigay ng saya sa bawat isa. Ito narin ang nagsisilbing bonding moments ng pamilya sa tuwing sama-samang nanonood ng telebisyon habang pinag-uusapan ang mga kaganapan sa buhay.

Photo Credit: Eric John Salut Instagram

Ang isa sa mga kaabang-abang na programa sa telebisyon ay ang teleserye na talagang nagpapaantig sa ating mga puso sa bawat eksenang hatid nito. Kaya naman bawat bagong teleseryeng ginagampanan ng ating mga iniidolong artista na ipinapalabas sa telebisyon ay ating inaabangan.

Kagaya na lamang ng dalawang sikat at magagandang artista na sina Julia Montes at Nadine Lustre na may bagong proyektong teleserye sa ABS-CBN na siguradong aabangan ng kanilang mga tagahanga.

Photo Credit: Eric John Salut Instagram




Batid ng nakararami na matagal na nawala sa industriya ng showbiz ang aktres na si Julia Montes. Ilang buwan din siyang nawala sa larangan ng pag-arte at hindi natin napanood sa ating mga telebisyon, ito ay sa kadahilanan na siya’y nagbakasyon at nanatili umano sa ibang bansa kasama ang kanyang ama.

Photo Credit: Eric John Salut Instagram

At ngayon nga ay muli siyang nagbabalik sa industriya at muling mapapanood sa telebisyon kasama ang sikat na aktres na si Nadine Lustre. Ayon kay AdProm Head Eric John Salut, sa unang pagkakataon ay magsasama sila sa isang proyekto na prinoduce ng Dreamscape Entertainment at makakasama rin sina Paulo Avelino, Zanjoe Marudo at ang Thai actor na si Denkhum Ngamnet.

“HAPPENING NOW! @pauavelino @montesjulia08 @onlyzanjoemarudo @nadine @denkhun__ngamnet with Sir @montie08, @carlmerced @caticaticatzzzzzz @mosmos77 #Burado soon!”

Photo Credit: Eric John Salut Instagram

Makikita sa larawang ibinahagi na magkakasama sila para sa shooting ng nalalapit nilang teleserye na pinamagatang “Burado” kung saan ipapalabas at mapapanood sa ABS-CBN.

“@nadine today in #Burado teaser shoot! Ganito po siya kasaya ngayon, actually nung storycon pa lang, dama mo yung saya nya! Go, girl! Photos: @carlmerced”

Pahayag pa nila sa IG.




Photo Credit: Eric John Salut Instagram

Mukhang kaabang-abang ang naturang teleserye dahil sa magagaling na cast nito na talagang pinaghandaang mabuti. Bukod sa magagaling na cast, ay napakahusay rin ng mga direktor na gumawa nito dahil sa pinagsamang galing ng direktor ng “The General’s Daughter” na si Emmanuel Palo at direktor ng “Kadenang Ginto” na si Darnel Villaflor.

Photo Credit: Eric John Salut Instagram

Ayon kay Dreamscape Head Deo Endrinal, ang Burado ay malawak ang magiging sakop nito dahil ang bawat eksena ay hindi lamang kukunan sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa kagaya ng Thailand, Cambodia at India.

Mas lalong kaabang-abang ang telerserye dahil kasama rin sa cast ng “Burado” ang magagaling na artista na gaya nina Carmi Martin, Angel Aquino, Joko Diaz, Ina Raymundo, Lotlot de Leon, Matet de Leon, Raymond Bagatsing, Mccoy de Leon, Javi Benitez, at Kokoy de Santos.

Photo Credit: Eric John Salut Instagram

Tiyak na marami ang nakaabang sa napakagandang bagong teleseryeng ito upang mapanood sa ating mga telebisyon. At siguradong tatangkilin ng marami dahil sa galing at husay ng mga cast at direktor.




error: Content is protected !!