Connect with us

Entertainment

Andi Eigenman Ipinasilip ang Munting Selebrasyon nila ng Mother’s Day, Ipinagluto din ang kanyang Pamilya ng Masarap na Recipe

Masayang ipinagdiwang ng bawat pamilya ang araw ng mga ilaw ng tahanan o Mother’s Day upang bigyang pugay ang kabutihan at kasipagan ng mga ito. Kanya-kanya ngang kaganapan ang makikita sa bawat pamilya para mapaligaya ang kanilang mga nanay. At kitang-kitang naman sa social media, ang nag-uumapaw na pagbati para sa mga ilaw ng tahanan. May nakatanggap ng bulaklak, chocolates at iba pang surpresa mula sa kanilang mga mahal sa buhay.

Para naman sa pagdiriwang ng Mother’s day ng aktres at vlogger na si Andi Eigenmann, ay nagkaroon siya ng simpleng selebrasyon kasama ang kanyang partner na si Philmar Alipayo at kanilang anak na sina Lilo at Baby Koa.

Sa vlog na ibinahagi ni Andi sa kanyang YouTube Channel, nito lamang ika-9 ng Mayo, na pinamagatang “Day in A Life of a Tough Mama”, ay ipinasilip niya ang simpleng pagdiriwang ng Mother’s Day kasama ang kanyang pamilya. Pagbungad pa lang ng video ay ipinaabot na ni Andi ang kanyang pagbati sa mga nanay ng bawat tahanan.

Photo credits: Happy Islander | Youtube

Madalas na nga nating masilayan ang simpleng pamumuhay ng pamilya ni Andi sa Siargao kasama ang kanyang pamilya. At sa pagkakataong ito, sa araw ng mga Nanay ay ipinaghanda at ipinagluto niya ang kanyang pamilya ng masarap na pagkain.

Pagbabahagi ni Andi, dahil nga hindi pa tapos ang kanilang kusina sa ipinapagawang bahay, ay isang maliit at pansamantalang kusina lang ang kanyang ginawa kung saan siya nakakapagluto. At bilang nanay, ay kasangga ni Andi sa pagluluto ang mga gamit na mula sa Tough Mama na tulad ni Andi na isang “tough mama”, ay talagang maaasahan sa loob ng bahay.

Photo credits: Happy Islander | Youtube

Unang iniluto ni Andi ang masarap na Banana Waffles kung saan ay ipinakita nga ang procedures sa paggawa at pagluluto nito. Matapos naman maluto, ay sarap na sarap namang kumain sila Philmar at Baby Lilo. At base sa reaksyon ng mga mukha nito, ay talagang masarap nga ang pagkakaluto ni Andi.

Photo credits: Happy Islander | Youtube

Photo credits: Happy Islander | Youtube

Bumili naman ng pasta at mga sangkap nito sa tindahan si Andi kasama si Baby Lilo at Baby Koa. Para sa pananghalian ay ang naisip ngang iluto ni Andi ay tuna pasta. Makikita na kasama niya ang 10 taong gulang na si Thor, at si Baby Lilo na assistant umano niya sa pagluluto. Biro nga ni Andi, ay dapat matapos niya ang pagluluto ng pasta, bago pa maubos ni Baby Lilo ang pagkain ng mga cheese. Nang maluto na nga ang pasta ay makikitang enjoy na enjoy sa pagkain si Baby Lilo.

Photo credits: Happy Islander | Youtube

Photo credits: Happy Islander | Youtube

Samantala, maliban sa mga gamit sa kusina ng Tough Mama, ay may iba pang appliances na maasahan si Andi mula rito tulad ng rechargable fan, velocity fan at coldfront cooler na malaking tulong para maibsan ang init ng panahon lalo na ngayong summer.

Tinapos naman ni Andi ang kanyang vlog sa araw ng Mother’s day sa pagpapatulog sa kanyang dalawang anak na sina Baby Lilo at Baby Koa.

error: Content is protected !!