Connect with us

Entertainment

8-carat Diamond Ring ng Seksing Aktres na si Ivana Alawi na Regalo Niya sa Kanyang Sarili Nagkakahalaga ng P12 Milyon

Hindi na nga kailangan ng sikat na aktres at vlogger na si Ivana Alawi ang isang lalaki para magbigay sa kanya ng makikinang at mamahaling alahas, dahil kayang-kaya naman niyang ibigay ito sa kanyang sarili. Sa katunayan nga nito, nang magdiwang siya ng kanyang ika-24 taong kaarawan noong December 25, 2020, ay niregaluhan niya ang kanyang sarili ng isang kumikinang at ubod nang mahal na diamond ring.

Credits: Ivana Alawi | IG

At matapos lamang ang siyam na buwan, ay napag-alaman, at naiulat ng Pep.ph ang nakakalulang presyo ng biniling 8-carat diamond ring ni Ivana mula sa 29-year-old jeweler at nasa likod ng kompanya ng isang brand ng alahas na LVNA (pronounced as Luna) by Drake Dustin, na si Drake Dustin Ibay.

Pagbubunyag nga ni Drake Dustin, ay nagkakahalaga ang napakagandang 8-carat diamond ring ni Ivana ng P12 Milion. Hindi naman talaga ito basta-bastang diamond ring lang, dahil pinasadya pa ni Ivana ang disenyo nitong gold.

Credits: Ivana Alawi 

Minsan na ring ipinasilip ni Ivana noong January 6, 2021 sa kanyang vlog ang hitsura ng kanyang 8-carat diamond ring na nabili niya sa LVNA by Drake Dustin. At dito nga ay sinabi ng seksing aktres na ang napakagandang diamond ring ay regalo niya para sa kanyang sarili noong siya’y nag-birthday. Ayon pa sa aktres, ay hindi niya kailangan mag-antay ng lalaki para ibili siya ng diamond ring dalhin kaya niya naman itong bilhin.

“And then, ayan, pina-gold ko siya kasi favorite ko yung color gold sa mga accessories. I bought this from LVNA [pronounced as Luna] by Drake Dustin, and eto ay regalo ko sa sarili ko… sa birthday ko talaga siya dapat. Bakit ako mag-aantay sa lalaki, e, di, bibilihan ko na lang ang sarili ko, di ba?”

Credits: Ivana Alawi | YT

Ang pangalan naman ng diamond ring ni Ivana ay Ivana Moon kung saan nga ay hango sa kanyang pangalan. Ayon pa sa aktres, ang Ivana Moon ay sumisimbolo ng kanyang pagmamahal sa kanyang sarili at ito rin ang pinakamahal na nabili niya para sa kanyang sarili. Binigyang diin naman ni Ivana na hindi siya engaged kundi binili niya lang talaga ito bilang pagpapakita ng kanyang pagmamahal sa kanyang sarili.

Inamin naman ng aktres, na pangarap talaga niya ang magkaroon ng diamond ring at ngayon nga ay natupad na ito. Masaya rin si Ivana dahil sa pagbili niya nito ay naaalala niya ang kanyang ginawang sakripisyo at pagsusumikap sa buhay.

“I’m not engaged. I’m just loved. This is the gift to myself. So, proud kasi it’s a reminder to work hard for your dreams. Kasi dati pangarap ko lang talaga ito. ‘Tapos sa akin na siya. It’s just a dream come true. I will treasure this.”

Credits: Ivana Alawi | YT

Naibahagi rin ni Ivana sa kanyang vlog na maituturing niyang isang napakagandang investment ang pagbili niya ng mga alahas. At ito nga ay dahil tumataas ang presyo ng mga alahas habang tumatagal.

“Lagi akong bumibili ng singsing, pero ito yung first na malaking-malaking. So, it’s also an investment, kaya ko siya binili. Hindi ko binili dahil, ‘Ay, gusto ko iyan kasi malaki.’ Investment siya kasi. Kahit tumatagal, nagiging mas mahal siya.”

error: Content is protected !!