Connect with us

Entertainment

79,000 Pesos na Bill sa Kuryente ng Team Kramer Nasolusyonan at Napababa nalang nila ng Php30,000

Published

on

Ngayon ngang halos lahat tayo ay nananatili lamang sa loob ng ating mga tahanan, malaki ang tyansa na lahat ng mga appliances sa bahay ay nagagamit. Kaya naman, tiyak rin na tataas ang konsumo ng kuryente na dapat nating bayaran pagsapit ng katapusan ng buwan.



Ngunit, sa makabagong panahon ngayon ay may mga naimbentong alternatibo upang ang konsumo ng kuryente ay bumaba at ang bayarin pagsapit ng katapusan ay maging magaan na sa bulsa. Ito nga ang tinatawag na solar power energy na kung saan ay gumagamit ng solar panels upang maging sanhi ng enerhiya ang araw na nakakapagbigay ng kuryente.

Ang solar power nga ang naging laman ng vlog ng Team Kramer kung saan ibinahagi nila ang gamit at kahalagahan nito. Ang pamilya Kramer ay nakalipat na sa kanilang napakaganda at napakalaking bahay. Kaya naman, ang naisip ni Doug ay lalaki rin ang konsumo ng kuryente dahil sa laki ng bahay nila. Tiyak nga na malaki ang babayaran nilang bill ng kuryente dahil halos doble rin ang laki ng bahay nila.

Hindi nga nagkamali si Doug dahil sa unang buwang pananatili nila sa bahay ay umabot nga ng tumataginting na 79,000 pesos ang bill ng kanilang kuryente. Dito na nga nagsimulang maghanap ng alternatibo ang mag-asawang Kramer upang mabawasan ang bill ng kuryente.

At ang nakita nga nilang kasagutan sa kanilang problema ay ang pagpapalagay ng solar panels. Sa tulong nga ng Solaric, ang kanilang bubong ay nalagyan na ng solar power upang maging source ng energy araw-araw. Nang matapos nga ang installation, ay tila nakahinga na ng maluwag ang mag-asawa dahil napakalaki ng pagbabago sa kanilang electric bill.



Mula nga sa 79,000 ay umabot na lang ng 30,000 ang halaga na kanilang babayaran sa bill ng kuryente. Pahayag naman ni Cheska ay isa itong magandang investment kung saan hindi lang investment para sa kanila ang hatid ng mga ito kundi investment din para sa environment.

Maraming netizens naman ang humanga sa pamilya sa kanilang napakalaking bahay at sa kahanga-hangang solar power nila.

โ€œTheir house is beautifully surrounded by so much greens.๐Ÿ˜Š If it were me, aircon would be an hour long lang, then everything else would be done in the open for oxygen-rich air.. Not because of the bill, but because of health, so we can save both the kidsโ€™ lungs and the ozone layer.๐Ÿ˜Š Wonderful work with the solar panels too, galing. Smart move๐Ÿ˜Šโ€

โ€œI do wish we have more providers for solar so that price of panels and equipment become a bit affordable for common households. I hope to have this in my house ๐Ÿ˜Šโ€

โ€œNot just on solar panels, invest more on batteries where you store the solar energy. The more storage you have the less youโ€™re dependent with meralco. Turning into renewable energy will not only benefit you financially, this is sustainability which is good for the planet ๐Ÿ˜Šโ€œ



error: Content is protected !!