7 Dating Miyembro ng Sikat na All Girls Dance Group na Sexbomb Dancers at ang Kani-kanilang Masasayang Buhay Ngayon

Ilan sa mga hinangaan dahil sa talento at galing sa pag-awit at pagsayaw ay ang all female sing and dance group na na Sexbomb.

Nagsimula ang all female group na ito bilang background dancers hangang naging multimedia stars at nagkaroon ng matagumpay na karera sa pagkanta, pag acting at pagsayaw.

Binansagan din ang grupo na “The Best-Selling Philippine Female Group of All time na sinundan naman ng All Female Band na Aegis.



Ang grupo ay naging mainstay dancers ng isa sa pinakamatagal na running noontime variety show sa Pilipinas ang Eat Bulaga kung saan naging background dancer ang mga ito.

Pero ano na nga ba ang nangyari sa kanila? Narito at silipin ninyo ang buhay ngaun ng ilan sa mga sikat na miyembro ng grupong sexbomb.

1. Jopay

Kilala si Jopay bilang sentro ng atraksyon ng grupo at kinikilala bilang pinaka sikat sa lahat ng miyembro dahil sa kakaibang husay nito at galing sa pagawit at pagkanta.

Si Jopay ay kasalukuyang ineenjoy ang kanyang buhay may pamilya kasama ang kanyang asawa na si Joshua Zamora isa rin sa mga kilalang magaling na aktor sa industriya ng showbiz.



Nakaranas si Jopay ng misscarriage tatlong taon na ang nakalipas. Pero December 30, 2017 ipinanganak niya isang napakagandang baby girl na si Isabelle Alessa.

Aifha Medina

Si Aifha ay miyembro naging miyembro ng grupo sa loob ng 7 taon simula 2003 hanggang 2010 at patuloy sa kanyang showbiz career hanggang ngayon, ngunit ayon sa kanya ang kanyang priority sa buhay ay kanyang minamahal na anak na babae.



Evette Pabalan

Si evette naman ay miyembro ng grupo ng siyam na taon mula 2001 hanggang 2010 at kasalukuyang ineenjoy ang kanyang non showbiz na buhay kasama ang kanyang asawa at anak.

Sugar Mercado

But even when I am afraid, I keep on trusting you. -Psalm 56:3 My Life👭❤️

A post shared by Sugarmercado (@sugarmercado777) on

Si Sugar ay isa sa pinaka sikat na miyembro ng Grupo na kung saan hinangaan ng maraming tao dahil sa talento nito sa pagsayaw at pag-awit. Si sugar ay may dalawang anak na babae kung saan hawak niya ang kustudiya na kanyang ipinanalo sa kanyang dating asawa.



Weng Ibarra

Isa din si weng sa mga miyembro ng grupo na tumagal ng 9 na taon. Kasalukuyang eneenjoy ni weng ang buhay ina sa kanyang nagiisang anak na babae na si Annastacia.

Izzy Trazona

Si Izzy ay naging miyembro ng grupo sa loob ng 10 taon at kasalukuyang ineenjoy ang buhay ina sa kanyang dalawang anak na napaka cute. Siya ay kasal sa dating aktor na si Alvin Aragon.



Rochelle Pangilinan

Masaya ba kami?! 😳😅

A post shared by rochellepangilinan (@rochellepangilinan) on

Isa sa mga tumatak sa puso ng mga tagasubaybay ng sexbomb girls ay si Rochelle. Kasalukuyang masaya sa piling ng kanyang asawa na si Arthur Sulinap. Ibinunyag din ni rochelle sa kanyang social media account na siya ay nagdadalang tao.

Namiss niyo ba sila? Ano ang masasabi ninyo sa mga buhay nila ngayon. Ibahagi saamin ang inyong opinyon.

source: kami