Entertainment
65-Taon Gulang na Lalaki, Nagtanim ng 10,000 Puno ng Mangroves sa Loob ng 8 Taon Na Nagbigay ng Proteksyon sa Kanyang Bahay Laban sa Malalaking Alon at Baha Pag May Bagyo

Sa mga nagdaang mga buwan at araw kung saan marami sa ating mga kababayan ang nakaranas ng [email protected] ng nagdaang mga bagyo, ay naisip na natin kung paano maningil ang kalikasan, kung saan ito na marahil ang bunga ng kapabayaan at pang-aabuso ng mga tao sa ating kalikasan.
Tunay nga na ilang taon ng laganap sa mundo ang pagkakaroon ng illegal logging sa iba’t ibang mga kabundukan, kung kaya naman naging sanhi na ito ng pagkakaroon ng matinding pagbaha tuwing may mga malalakas na pag-ulan sa ilang mga lugar.
Ngunit ano nga ba ang dapat isipin at gawin ng mga tao, upang maiwasan na ito, at mapanatili na ang kalikasan ay mapangalagaan?
Samantala, isang 65-taong gulang na matandang lalaki naman ngayon mula sa Matalom, Leyte ang naging inspirasyon sa marami, dahil sa ginagawa nito upang maiwasan na magkaroon ng malalakas na alon malapit sa kanyang tahanan tuwing may bagyo.
Photo credits: Dan Niez | Facebook
Ang matandang lalaki na ito, ay nakilalang si tatay Gary Dabasol, na nakatira sa coastal road sa may Matalom, Leyte.
Ayon sa ulat, dahil sa malapit sa dalampasigan ang tahanan ni tatay Gary, ay batid niya na delikad0, at maaaring maabot ng malalaking alon ang kanyang tahanan tuwing bagyo. Kaya naman upang maiwasan ito, ay naisipan niyang magtanim ng libo-libong mga “mangroves” sa halos 8-taon sa may Punong Village. Sa 8-taon nga ng kanyang pagtatanim ay umabot na sa 10,000 mangroves ang mga ito.
Sa naging ulat naman ng Philippine News Agency, ay inilahad ditto, na pinupulot lamang ni tatay Gary ang mga buto ng mangroves, tulad ng miyapi, pagatpat, at bakawan malapit sa kanilang tahanan. At dahil dito, ay malaking tulong ang mga halaman na ito, sa pagpapanatiling ligtas na maabot ng malalakas na alon ang kanilang tahanan tuwing may bagyo.
Samantala, isang netizens na nagngangalang Dan Niez mula sa Hilongos town ang nagbahagi sa social media, na puno na inspirasyon na ito na kwento ng buhay ni tatay Gary Dabasol.
Ayon nga sa naging pagbabahagi ni Dan Niez, noon daw ay isang bakanteng lote lamang sa may dalampasigan ang kanyang natatanaw, ngunit ngayon, ay napakarami na nitong mga mangroves, na mga ilan sa mga itianim ni tatay Gary.
Photo credits: Dan Niez | Facebook
Umaasa naman si Dan Niez na magbibigay inspirasyon sa iba ang kwento na ito ni tatay Gary Dabasol, at nawa ay suportahan ng gobyerno si tatay sa kanyang ginaw,dahil ang mga ganitong gawain ay bihira lamang makita sa isang tao.
Lumalabas sa pag-aaral ng “Ecoviva” na maliban sa ginagawang pagprotekta ng mga mangroves sa mga coastal areas, ay marami pa umano itong naitutulong sa ating kalikasan, at isa na dito ay ang pagbibigay nito ng matitirhan at mai-itlugan ng ibang mga uri ng mga hayop na naninirahan sa karagatan.
Photo credits: Dan Niez | Facebook
Maliban pa rito ay marami pa ngang ibang benepisyo, ang naidudulot ng “mangroves” sa ating kalikasan.
Patunay lamang na hindi pa huli ang lahat upang maalagaan nating muli ang ating kalikasan, dahil kung gagawin natin ito, ay hindi lamang tayo ang makikinabang, kundi mas lalo ang mga tao na mabubuhay sa mga susunod na henerasyon.
