Connect with us

Inspiring

36 sqm. na Bahay sa Naga, Binigyan ng Bagong Mukha

Ang ating mga tahanan ang isa sa mga lugar kung saan natin ginugugol ang karamihan sa ating oras. Normal lang na pagandahin natin ang ating mga tahanan para mas maging komportable tayo sa ating pamamalagi dito. Maging ang mga lumang tahanan ngayon ay binibigyan ng bagong mukha na angkop sa mga makabagong mga disenyo. Katulad ng 36 sqm. na bahay sa Naga City, Bicol, napagdesisyunan din ng mga may-ari nito na pagandahin pa ang bahay.


Photo credits to the owner

Ayon sa architect ng bahay na si Chenlee Menes, isang dekada na ang bahay na ito at halos isang taon na ring walang tumitira dito ngunit napagdesisyunan pa rin ng mga may-ari na ipaayos ito.

Dagdag pa niya, pinaghalong tropical, contemporary, at industrial ang disenyo ng bahay,

“Mixing these three different design styles and figuring out how to harmonize the textures was a fun experience. Eventually, the project turned out to be something unique. The owners really loved it!”

Photo credits to the owner

Kwento pa ng architect, “The COVID-19 quarantine measures hindered us from going full swing with the construction.”

Dahil dito, dalawang buwan din ang dumaan bago matapos ang proyektong ito ngunit napakaganda naman ng naging resulta. Totoong hindi na rin ito makilala dahil sa dami ng pinagbago nito. Mula sa ordinaryong itsura ng bahay, ngayon ay mukhang bago ito. Dahil rin sa mga modernong disenyo ay aakalain mong nasa hotel ka.

Photo credits to the owner

Para sa proyektong ito, napag-isipan ng architect na gumamit ng sliding doors sa mga kwarto at gawing open floor plan ang sala, kusina, at ang dining area para magmukhang malawak ang maliit na bahay. Neutral colors naman ang ginamit para sa mga muwebles ng bahay, bagay sa mga kahoy na dekorasyon sa dingding at kisame. Kapansin-pansin din ang kakaibang chandelier ng bahay.

Photo credits to the owner

Napakalawak din ng comfort room nito na may sliding glass door. Katulad ng ibang kwarto ng bahay, neutral colors din ang ginamit para sa mga kabinet at tiles dito.

Photo credits to the owner

Dahil sa kakaibang disenyo ng bahay, siguradong magkakaroon din ng ideya ang ibang homeowners sa pagpapaganda ng kanilang sariling tahanan.

Photo credits to the owner

Inspirasyon din ito na gaano man kalaki o kaliit ng isang bahay, maaari pa rin itong mabigyan ng bagong mukha sa tulong na rin ng diskarte at pagkamalikhain.

error: Content is protected !!