Connect with us

Inspiring

32 Taon Gulang na Nanay sa Cebu na Tindera ng Gulay sa Umaga at Estudyante naman sa Gabi Nakapagtapos sa Kolehiyo

Sa panahon ngayon, napakaraming mga tao ang nagpatunay na hindi hadlang ang kahirapan upang magkaroon ng maayos na edukasyon.

Para naman sa ilan, pinapatunayan nila na hindi rin hadlang ang edad upang makamit nila ang inaasam na college diploma. Isa na nga sa mga ito ay si nanay Liezel Nudalo Formentera na mula sa Cebu.

Nagtatrabaho bilang isang tindera ng gulay si Nanay Liezel sa Cebu. Kasabay nito, inaalagaan din niya ang kaniyang tatlong anak.

Photo credits: latestchika.com

Ayon sa kaniyang kwento, isa sa mga rason na nag-udyok sa kaniya na makapagtapos ng pag-aaral ay ang kaniyang pangarap at hangarin na mabigyan ng mas magandang kinabukasan ang kaniyang pamilya.

Photo credits: latestchika.com

Upang makamit niya nga ito, napagtanto ni Nanay Liezel na kailangan niyang makapagtapos ng pag-aaral at magkaroon ng mas maayos na trabaho at kita.

Talaga namang ilang taon pa ang gugugulin ni Nanay Liezel kung papasok pa siya sa elementarya.

Dagdag pa rito, maaari ding makaapekto sa kaniya ang pag-aaral kasama ang mga estudyante na mas bata sa kaniya. Dahil dito, noong taong 2012 ay minabuti ni Nanay Liezel na pumasok sa isang programa ng DepEd na Alternative Learning System o mas kilala sa tawag na ALS.

Photo credits: latestchika.com

Sa pamamagitan nito, mas mapapadali at mas komportable ang magiging pag-aaral ni Nanay Liezel kasama ang mga estudyante na gaya niya na mayroon ding iba-ibang sitwasyon.

Photo credits: latestchika.com

Sa awa naman ng Diyos at matapos ang ilang taong pagsisipag ni Nanay Liezel sa pag-aaral ay ganap siyang nakapagtapos sa high school noong 2018. Mapalad din siya na agad na makapasok sa kolehiyo.

Kumuha siya ng kursong Bachelor of Industrial Technology Major in Computer Technology sa Cebu Technological University.

Photo credits: latestchika.com

Hindi man naging madali ang naging pag-aaral ni Nanay Liezel ay natuto pa rin siya na magtiwala at kumapit sa Diyos.

Photo credits: latestchika.com

Isa rin sa kaniyang naging lakas at inspirasyon ay ang kaniyang mga anak. Malaki rin ang kaniyang pasasalamat sa kaniyang asawa na isang magsasaka na walang sawang sumuporta sa kaniyang pag-aaral.

Dahil sa mga ito, ipinagmamalaking ibinahagi ni Nanay Liezel ang kaniyang pagtatapos noong nakaraang Agosto.

Hindi rin maitago ni Nanay Liezel ang kaniyang kasiyahan at pagpapasalamat sa tagumpay na nakamit niya at ng kaniyang pamilya.

error: Content is protected !!