2nd Time Mommy Na Si Andi Eigenmann Tuwang-tuwang Binubusog Ng Pagmamahal Ang Bunsong Anak: Mga Anak Na Sina Ellie At Lilo ‘Natural Adventurer’

Masasabing sa umpisa ay wala pang ideya ang isang babae kung paano talaga ang pagkakaroon ng isang sanggol hanggat hindi nila ito nararanasan, pero sa oras na magkaroon na ng isang sanggol ang isang ina hindi na nila nanaisin na mahiwalay pa dito. Ito ang katotohanang haharapin ng isang ina sa oras na mabiyayaan na anak na aarugahin at palalakihin ng buong pagmamahal.



Ito marahil ang muling pinag-dadaanan ng aktres na si Andi Eigenmann habang pinapalaki niya ang bunsong anak na si ‘Lilo’. At hindi ganun kadali para sa aktres at asawang si Philmar ang pagpapalaki sa kanilang anak dahil sa kani-kanilang mga sa trabaho. Pero hindi ito naging hadlang sa loving couple upang hindi nila makasama palagi ang kanilang mga minamahal na mga anak.

At kamakailan nga ay muling naglakbay ang magpamilya mula sa tirahan nila sa Siargao patungong El Nido dahil sa personal na trabaho ni Andi sa nasabing lugar. Sa kabilang banda bago pa sila magpunta sa El Nido Palawan ay kagagaling lang nilang San Juan La Union kung saan sinuportahan nila si Philmar sa isang surfing event.



Sa katunayan, tuwang tuwa ang mag-asawa dahil nasasanay na ang kanilang dalawang anak sa madalas nilang pagbibiyahe,

“Beach na sab! So grateful to have kids that are well behaved during travel. Natural adventurers! Lilo at 3 and a half months old is easy to take care of”, caption pa ni Andi.

Samantala makikita sa Instagram account ng surfer na si Philmar ang larawan nilang magpamilya na nilagyan niya ng mensahe,

“Quality time with my @liloislandgirl in El Nido while we let mama @andieigengirl enjoy her work – vacation! Even if we were just in the room most of the time, my trip was worth it!🤣 What’s important is my girls are happy! Thank you for our family pic @vinaguerero

Ayon pa sa aktres malaking adjustment ang ginagawa nilang mag-asawa ngayong lumalaki na ang bunso nila at ayon pa nga sa “Prinsesa Ng Banyera”actress,

“But I think we are already experiencing sleep regression because of a growth spurt! No complaints on both ends though. Lilo enjoys greeting everyone around and sharing a laugh with those who say hello to her. So cute cute little Lilo bujag”.

Masaya naman nilang pinaghahandaan ang mabilis na paglaki ng bunso at hindi na makapaghintay ang 29 na taong gulang na aktres na bigyan ito ng mga solid foods katulad na lang ng mga prutas at sa katunayan ay may sarili silang tanim sa kanilang bakuran.



Sa kabilang banda masaya silang mag-asawa dahil lumalaki na si baby ‘Lilo’ na ngayon ay madalas ng maglaro at nagiging aware na rin sa kapaligiran niya. At sa November 23 nga na parating ay 4 buwan na ang kanilang bunso na si Lilo at nagkataong kaarawan din iyon ng panganay nilang si Ellie.

View this post on Instagram

There needn’t a cotton candy sunset for me to appreciate and find this island paradise so beautiful. I don’t know if it’s the beauty in nature that we are surrounded by, or the people and the life that I have here. So much to be thankful for. So much simplicity and joy, that no matter how fickle I know myself to be, I just cant seem to get sick of this. It must be true love.❤️ seeing Ellie run around the beach with her friends, just playing outside all day wearing that precious smile of hers. The undying connection and respect Philmar and I have for eachother (and everyone else), that only keeps on growing. And Lilo. Just having our little Lilo island girl in our lives. That, to me, that’s true love. What is your definition of true love?

A post shared by Andi Eigenmann (@andieigengirl) on

Samantala, sa Instagram account ng “Agua Bendita” actress makikitang masayang karga-karga ni Ellie ang bunsong kapatid na si ‘Lilo’ ng bumalik silang buong pamilya dito sa Manila.