Connect with us

Entertainment

2nd House ng TV Host na si Bianca Gonzalez at Asawa nitong si JC Intal na Ipinapatayo nila para sa Kanilang Lumalaking Pamilya, Pansamantalang Itinigil

Sa pagsisimula at pagbuo ng isang masayang pamilya ay kinakailangan ng isang bahay na magsisilbing tahanan na masisilungan ng buong pamilya. Isang bahay kung saan bubuo ng masasayang alaala ang mag-anak.

Kaya naman ang TV host na si Bianca Gonzalez at asawa nitong si JC Intal ay tiniyak na may isang tahanan na masisilungan ang kanilang pamilya kasama ang kanilang mga anak.

Photo credits: Bianca Gonzalez | IG

Si Bianca ay kilala bilang isang mahusay na TV host, at madalas nga nating masaksihan ang kanyang husay bilang host ng programa sa talent reality show na Pinoy Big Brother. Samantala, noong March 2014, naman nang ma-engaged si Bianca sa PBA player na si JC Intal. At pagsapit ng December 2014, ay naganap na ang kanilang pag-iisang dibdib sa napakagandang isla ng El Nido, Palawan.

Photo credits: Bianca Gonzalez | IG

Tila naman pinaghandaan at plinano na ni JC, ang magiging buhay ng kanilang pamilya dahil bago pa man nga sila ikasal, ay nagpagawa na ng bahay si JC para sa kanilang pamilya. At ngayon nga, ay kasalukuyan silang naninirahan sa bahay na ipinatayo ni JC bago sila ikasal.

Dahil nga dito, ay labis na hinangaan ni Bianca ang kanyang asawa. Kaya naman nang makapanayam ng Pep.ph, ay sinabi ng TV host na napakaswerte niya sa kanyang asawa dahil bago pa man ang kanilang kasal ay may bahay na silang tutuluyan.

“I think iyon iyong isa sa mga goals niya before proposing, that we would have a house. Super lucky.”

Photo credits: Bianca Gonzalez | IG

Ngunit, sa kabila nito ay narealize ng mag-asawang Bianca at JC, na ang bahay na ito ay hindi angkop para sa kanilang pamilya dahil sa ilang bahagi ng bahay na mali ang pagkakagawa.

Kwento nga ni Bianca sa Pep,“Na-realize niya mali-mali proportions. Hindi mo pa alam e. Like, ang liit pala ng kwarto ng anak na dapat pala malaki. Kasi he doesn’t cook, iyong kusina pala ang nipis, tapos hindi nakakalabas iyong hangin. Things like that.”

Kaya naman, nagpasya ang mag-asawang Bianca at JC na magpatayo ng isa pang bahay na talagang swak na swak para sa kanilang lumalaking pamilya. At ang nasabing bahay nga na dalawang taon nang nasimulan ang construction, at unang ipinasilip nina Bianca noong September 2018, ngayon nga ay malapit nang matapos ngunit muling natigil ang kanilang pagpapagawa dahil naapektohan ito ng pandemya.

Photo credits: Bianca Gonzalez | IG

At sa pagpapagawa nga nila ng bagong bahay para sa kanilang pamilya ngayon, ay isa na ring paraan para matuto sila sa kanilang pagkakamali sa una nilang bahay.

“Lahat nung mga gusto namin i-correct dun sa house na iyon, we did it sa new house. We made sure na mas may space na siya, ganyan.”


Photo credits: Bianca Gonzalez | IG

Photo credits: Bianca Gonzalez | IG

Ang plano at nais naman ng mag-asawa ay tumira sila ng kanilang pamilya sa bagong bahay hanggang mag-kolehiyo ang kanilang mga anak, na ngayon ay 5 taong gulang pa lamang na si Lucia at dalawang taong gulang na si Carmen.

error: Content is protected !!