Connect with us

Entertainment

“23 Years of the Sweetest Love I’ve Ever Known” Richard Gomez at Lucy Torres-Gomez, Masayang Ipinagdiwang ang Kanilang 23 Taong Pagsasama Bilang Mag-asawa

Ang kasal ay isang sagradong seremonya para sa dalawang taong magmamahalan, kung kaya’t ang basbas na ipinagkaloob ng Diyos para sa kanilang pag-iisang dibdib, ay dapat ingatan at pangalagaan.

Napakasarap naman talagang bumuo ng isang pamilya kasama ang taong ipinagkaloob ng Diyos para humarap sa hirap man o ginhawa. Hindi rin naman matutumbasan ng anumang salapi, at bagay ang isang masayang pamilya na punong-puno ng pagmamahal.

At ang makitang nagmamahalan nga ang mga magulang ay isang napakagandang tanawin para sa isang anak. Kaya naman, ang nag-iisang anak ng celebrity couple at public officials na sina Richard Gomez at Lucy Torres na si Juliana, ay proud na ibinahagi ang pagdiriwang ng ika-23rd wedding anniversary ng kanyang mga magulang.

Ang 20-year-old University of the Philippines student na si Juliana, ay isang saksi kung gaano kamahal ng kanyang mga magulang ang isa’t isa. At kapag nakikita niya nga ito, ay hindi naman nagdadalawang isip na ibahagi ito ni Juliana sa publiko. Sa Instagram, ay ibinahagi ni Juliana ang mga throwback photos ng kanyang mga magulang kung saan masisilayan ang kasweetan sa isa’t isa. Nilakipan naman ito ng dalaga ng caption na:

“23 years of the sweetest love I’ve ever known”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Juliana Gomez (@gomezjuliana)

Hinubog na nga ng panahon ang pagsasama ng mag-asawang Richard at Lucy. Sa dami ng pagsubok na dumaan sa kanilang buhay bilang mag-asawa, ay nagawa nila itong malampasan at mapatatag ang pagsasama sa loob ng 23 taon. Pinatunayan nga ng mag-asawa na sa hirap at ginhawa ay magsasama sila habang buhay.

Samantala, maliban sa post ni Juliana, ay nagpost naman ang representative ng 4th District ng Leyte sa kanyang Instagram ng throwback photo nila ng kanyang asawa na Mayor ng Ormoc City. Ang nasabing larawan ay nilakipan naman ng mahabang caption ni Lucy, kung saan ay sinariwa at masayang binalikan kung paanong nag-propose sa kanya si Richard, hanggang sa mauwi na nga sila sa isang sagradong seremonya ng kasal.

“Here we are, that one night in December, at my parents’ home. It was during this trip you made to Ormoc City that you proposed to me. Four months later, on April 28, 1998, I walked down the aisle of Sts. Peter and Paul Parish Church into your arms and your life as your wife.“23 [years] yesterday. My dearest @richardgomezinstagram, you are my safe place, my courage, my fun, and my adventure. “And the more I know you, the more I love you.”

Ika-28 ng Abril, taong 1998 nang maganap ang pag-iisang dibdib nina Richard at Lucy sa Sts. Peter and Paul Parish Church.

error: Content is protected !!