Umani ng Iba’t Ibang Reaksyon ang Isang Viatnamese ng Gumawa ito ng Bakuran Gamit ang mga Lumang TV

Kanya-kanyang diskarte ang mga tao upang mapagtibay at mabigyan ng maganda at kakaibang disenyo ang kani-kanilang mga tahanan sa modernong panahong ito. Mayroong gamit ang mga materyales na tulad ng bato, bote, bakal, tanso, pilak, at iba’t iba pa.


Maging ang mga bakuran ng mga bahay na ito ay kakaiba rin, sapagkat sa ngayo’y ang mga materyales na gamit ay mga kahoy, bakal, at iba pa na may iba’t ibang modernong disenyo. At umano’y mayroong bakurang yari sa mga lumang TV sets?

Tama ang inyong nababasa, gumawa ang Vietnamese Homeowner ng bakurang yari sa mga lumang TV sets. Gayunpaman, naaalala ba ninyo ang noo’y purong galak ng unang makabili ang inyong pamilya ng telebisyon? At sa ngayon, ang Vietnamese Homeowner ng isla ng Hon Thom ay inaangat ang galak na ito sa umano’y “next level” ng buuin nila ang kanilang mga bakuran ng pinagsama-samang dose-dosenang TV sets.

Isang Facebook user na si Thanh Tien ang nag-upload ng isang litrato ng isang bahay na mayroong bakurang yari sa mga lumang TV sets ng siya ay pumunta sa isla ng Hon Thom. Dahil sa pagkamangha ay agaran niya itong inupload sa social media at naging viral naman ito kinalaunan.


Sa kabilang banda, ang TV Fence kung tawagin ay pamoso sa mga turistang dumarayo dito. Makikita ito sa kalsada papuntang Hon Thom cable car. Gawa ang bakuran sa mga luma ng mga TV sets ngunit buo pa rin at mayroong mga kumpletong mga parte.

Ang nakakamangha rin dito ay sa kabila ng pagiging luma ng mga telebisyong ito ay di manlang ito nasira ng mga nagdaang masamang panahon, kasama na ang mismong telebisyon at mga cathode ray tubes nito.

Talagang hindi matatawaran ang ganitong ideya ng pagdidisenyo ng bakuran at lubos na marami ang talagang humahanga sa TV Fence. Subalit marami rin ang medyo hindi kumbinsido sa proteksyong dulot nito.


Batid na marami sa mga telebisyong ito ay lubos ng luma at yaong madali ng basagin. Umano’y marahil makapagsanhi ito ng aksidente kung magkataon na masira man ang mga ito.

Dagdag pa dito ay kung masira ang mga nasabing cathode ray tubes ay makakaapekto ang mga ito hindi lang sa tao kung hindi maging sa kalikasan din. Maraming elemento ng telebisyon ang lubhang nakakalason o hindi ganoon kaligtas para sa mga tao at kalusugan ng mga ito, gaya na lamang ng mercury at iba pang heavy metals ang maaaring madala ng ulan at dumaloy sa lupa na makakaapekto sa kalikasan at sa mga taong makakalanghap nito.

Sana nga ay walang mangyari sa mga nabanggit na masamang salik ng TV Fence sapagkat kung ating titignan ay kaaya-aya talaga ito sa aspetong biswal. Kaya’t kung magawi man tayo sa Hon Thom ay siguraduhing bumisita sa pamosong TV Fence na ito.


Subalit ating pakatatandaan na unahin natin ang ating kaligtasan habang nagsasaya tayo sa pagkamangha sa isang kagila-gilalas na obra. Gayumpaman, kahit anong mangyari, ay lubhang nakagagalak na masilayan ang bakuran na yari sa TV sets, na tunay na di pa pangkaraniwan.