Connect with us

Entertainment

2 Years Na! Billy Crawford At Coleen Garcia, Ibinahagi Ang Kanilang Wedding Film Sa Pagdiriwang Ng Kanilang ika-2nd Wedding Anniversary

Published

on

Ang pag-ibig ay talagang napakahiwaga, dahil lahat ay gagawin ng sinuman makuha lamang ang puso ng iniibig upang alayan ng tunay at wagas na pagmamahal.

Kagaya na lamang ng aktor na si Billy Crawford at aktres na si Coleen Garcia na nagsimula ang pag-iibigan bilang magkaibigan hanggang sa lumalim at nauwi na isang tunay na pag-iibigan ang kanilang pagkakaibigan. Sa pagdaan nga ng panahon ay pinagtibay nila ang kanilang pagmamahalan bilang magkasintahan, ipinaglaban ang isa’t isa, at nalampasan ang mga pagsubok na dumaan sa buhay nila bilang magkasintahan. Hanggang sa ang kanilang pagmamahalan ay tuluyan nang pinagbuklod at nauwi sa pag-iisang dibdib.




Dalawang taon na nga ang nakakalipas matapos nilang patunayan ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa sa harap ng Diyos, mga mahal sa buhay at mga kaibigan sa isang beach wedding sa Balesin na ginanap noong Abril 20, 2018.

At bilang pagdiriwang ng kanilang ika-2nd Wedding Anniversary, ibinahagi nila ang kanilang wedding film sa publiko. Ngunit, bago nila isapubliko ang kanilang masaya at punong-puno ng pagmamahal na wedding film, nagpaabot muna ang mag-asawa sa isa’t isa ng nakakaantig at napakasweet na mensahe na ipinost nila sa Instagram.

“04/20 is extra special! 2 years of marriage and blessings from the Lord our God! Thank you, Father, for blessing me with an angel to always guide me. Thank You for this gift of love, commitment, loyalty, trust, passion, and compassion,”pahayag ni Billy na punong-puno ng pagmamahal ang bawat kataga.

“To my love, my everything @coleen, thank you. Thank you for loving me through my everyday hardhead times, driving you [nuts], and giving you different tones that piss you off Hahaha. You always keep it a [100 percent] with everything we do. I love you to the end of time! Happy, happy anniversary to us my Best friend / Bully / Wife!” dagdag pa niya.

Samantala, ang mensahe naman ni Coleen para sa asawa ay punong-puno ng emosyon.

“Two years happily married to this great man! Thank you, love, for the laughs, the constant care and encouragement you give me, and for never giving up on me, even on days when I feel like giving up on myself. Thank you for always choosing us, and for simply being here, ‘cause your presence always makes a huge difference to me. Thank you for making me feel so LOVED EVERY DAY—on the best days and the worst!”,saad ni Coleen.

You’re the best partner I could ever want because you’re the one God gave me. Our celebration this year is simple, but this season has taught me that all the simplest, most basic things we have are what truly matter. I’m so thankful for you, for today, for the family we have, this home we share, the memories we keep, and the future we have together. I love you always! Happy 2nd Anniv.”, pagpapatuloy naman niya.




Sa pagdiriwang nina Billy at Coleen ng kanilang 2nd Wedding Anniversary ay tila bumalik sa kanilang ala-ala ang espesyal na araw ng kanilang pag-iisang dibdib na hindi nila makakalimutan, ang araw na punong-puno ng pagmamahalan at masayang kaganapan kasama ang kanilang mga mahal sa buhay. Sa pagbabalik-tanaw nga ng kanilang masayang karanasan nang araw na iyon, ay kanilang napagtanto kung gaano sila ka-blessed bilang mag-asawa sa pagkakaroon ng mga taong patuloy na sumusuporta at nagmamahal sa kanila.

“Looking back on our special day always fills our hearts with so much love, joy, and gratitude. Even today, we are still overwhelmed by the beauty and bliss we were blessed with that day,”

“It always reminds us what a blessing it is to have each other, and to be surrounded by the amazing people God has placed in our lives.”

Samantala, sa video na naglalaman ng 18 minuto, mapapanood ang kanilang emosyunal at punong-puno ng pagmamahal na wedding vows. Kasama rin dito ang mga nakakaantig na mensahe ng kanilang mga malalapit na kaibigan na ang tanging hangad ay ang kanilang kaligayahan at masayang pagsasama bilang mag-asawa. Maging ang mga masasayang kaganapan sa araw ng kanilang kasal ay mapapanood rin dito.

Ang kahanga-hanga at napakagandang kuha ng video sa araw ng kanilang kasal ay kuha ng mahusay na wedding filmmaker na si Bob Nicolas.

 

error: Content is protected !!