Connect with us

Entertainment

18 Delicious Years: Aubrey Miles at Troy Montero, Masayang na Nagdiwang ng Kanilang Ika-18th Anniversary

“18 delicous years”, ito ang mga katagang napakasarap marinig mula sa dalawang pusong tunay at tapat na nagmamahalan na sina Aubrey Miles at Troy Montero. Sa hirap at ginhawa na kanilang pinagsaluhan ay pinatunayan ng dalawa na kayang-kaya nilang lampasan ang anumang hamon ng buhay.

Credits: Troy Montero | IG

At dahil nga, nalampasan nila ang mga pagsubok na kaakibat ng kanilang relasyon bilang mag-partner, ngayon nga ay 18 na taon nang masayang nagsasama sina Aubrey at Troy. Sa halos dalawang dekadang pagsasama, ay makikita na talagang nagkaroon sila ng isang napakasayang pamilya kapiling ang kanilang mga anak.

Kaya naman para sariwain ang tamis ng kanilang pag-iibigan, at ipagdiwang ang ika-18th anniversary as couple ay nagpasaya ang celebrity couple na magkaroon ng isang masayang bakasyon sa Lipa, Batangas, sa The Farm sa San Benito na paboritong puntahan ng mga sikat na artista sa showbiz sa tuwing magbabakasyon.

Credits: Troy Montero | IG

Sa Instagram, ay ibinahagi ni Troy ang ilang kuha ng mga larawan mula sa kanilang masaya at nakakarelaks na bakasyon sa nasabing napakagandang resort sa Lipa bilang pagdiriwang ng kanilang anibersaryo.

At base sa magkakasunod na post ni Troy sa kanyang Instagram account, ay nasolo nila ang isa’t isa dahil silang dalawa lamang ang pumunta roon para mag-enjoy sa kanilang bakasyon kung saan nga ay hindi kasama ang kanilang mga anak.

Credits: Troy Montero | IG

Makikita nga na talagang sweet na sweet sa isa’t isa ang dalawa na naenjoy ang bawat sandali sa kanilang mga ginawa. Ilan nga sa mga ito ang paliligo sa swimming pool, magkasamang kumain ng masasarap na pagkain at nagpa-spa rin ang dalawa.

Maliban sa masaya nilang bonding moments sa napakagandang wellness resort, ay may napakasweet namang mensahe si Troy para sa babaeng nagpapasaya at nagbibigay kulay sa buhay niya sa loob ng 18 na taon.

“18 years of breakfast dates with you. Mostly in pajamas and pang bahay na damit, but every so often we get a bikini & boardshorts, hotel robes or Birthday suit treat.”

“Thankful to get those bikini/hotel robe dates but it’s the pajamas and pang bahay breakfast days that got us to 18 Delicious Years. Cheers to our way of doing things.”

Credits: Troy Montero | IG

Ang celebrity couple ay mas lalo namang nabigyang saya at kulay ang kanilang pagsasama dahil sa nabuo nilang pamilya. Sina Aubrey at Troy ay may dalawang anak, ang kanilang panganay na si Hunter Cody, na isinilang noong 2008, at bunsong si Baby Rocket na isinilang naman ni Aubrey noong December 2018.

Maliban sa dalawang anak ni Aubrey kay Troy, ay may anak naging siya sa kanyang dating boyfriend noon na si JP Obligacion. Ito si John Maurie na isinilang ni Aubrey noong siya’y 23 taong gulang pa lamang. Kaya naman si John Maurie ay isa nang ganap na binata ngayon.

error: Content is protected !!