Connect with us

Entertainment

15 Years of Heartache: Andrea Del Rosario, Binalikan ang Bahay na Kanyang Ipinaglaban ng halos 15 Taon, Ito ang naging Bunga ng Kanyang Pagtatrabaho sa Showbiz

Ang actress-politician na si Andrea Del Rosario ay sumikat noong dekada 90 kung saan ay naging bahagi siya ng Star Magic batch 3 ng ABS-CBN, kasabayan ang mga artista na sina Paolo Contis, Chesca Garcia, Kaye Abad, Carlos Agassi, at Piolo Pascual.

Matapos naman maging bahagi ng Star Magic, ay lumikha naman ng sariling pangalan si Andrea bilang original member ng all female novelty group na Viva Hot Babes na ginawa ni Vic Del Rosario. Dahil nga, talagang makikita kay Andrea ang napakaganda at seksing katawan, ay talagang sumikat siya bilang isa sa pinakaseksing babae sa bansa.




Naging matagumpay nga ang karera ni Andrea sa showbiz kung saan ay nagkaroon siya ng mga proyekto at pelikula. At sa tulong ng ABS-CBN, isa nga sa naging bunga ng kanyang pagsisikap ang naipundar niyang bahay. Ngunit, lingid sa kaalaman ng lahat, bago pa man mapunta sa kamay niya ang biniling bahay ay may karanasan siyang hindi makakalimutan.

Ito nga ang ibinahagi ni Andrea kamakailan na idinaan sa isang sentimental post sa Facebook. Sa post ng dating Viva Hot Babes, makikita ang larawan ng isang bahay sa exclusive village sa Parañaque city. Sa naturang post ay binalikan ng dating aktres ang bahay na kanyang naipundar noong nagsisimula pa lamang sa showbiz sa ABS-CBN.

Ayon nga kay Andrea, ay 20 taon na ang nakakaraan nang mabili niya ang naturang bahay. Ngunit, matapos umanong mabayaran ang nasabing bahay ay naging biktima siya ng sindikato.

 




“Shortly after I paid for the property, someone contested regarding my ownership of the said house. To make the long story short, I got involved with a syndicate and because of failing to post bond I lost possession of the house and have been in this case battle for years.”

Hindi naman sumuko si Andrea, at ipinaglaban niya ang kanyang karapatan sa bahay na kanyang naipundar. At matapos nga ang 20 taong pakikipaglaban ay matagumpay niyang naipanalo ang kaso. Masaya nga itong ibinalita ng aktres dahil sa wakas ay muling napasakamay ang tahanan na bunga ng kanyang pagsisikap.

“Until recently, because of an amazing legal team, I won the case! In the next few days, with the help of a sheriff, I will finally get the possession of the house again. Almost 20 years of heartache. God you’re truly amazing! Thank you, Lord!”




Labis-labis nga ang pasasalamat ni Andrea, dahil ang hirap na dulot ng sindikato ng mahabang panahon sa buhay niya, sa wakas ay natapos niya. At ang bahay na bunga ng kanyang pagsisikap ay muli niyang nakuha.

error: Content is protected !!