Connect with us

Entertainment

“15 years ang hinintay ko para sa pic na ito noh!”: Wilma Doesnt, Proud Na Ibinahagi Ang Prenup Photos Nila Ng Kanyang Non-Showbiz Boyfriend

Talaga namang masayang-masaya at proud na proud ngayon ang aktres at komedyante na si Wilma Doesnt dahil matapos nga ang 15 taong paghihintay sa wakas nga ay naisakatuparan na niya ang maengaged sa taong labis na nagmamahal sa kanya. At ang talagang matagal nang pangarap ni Wilma na magkaroon ng prenup photos, ay nabigyang katuparan rin.

CREDITS: Wilma Doesnt |IG

Kamakailan lamang nga, ay proud na ibinahagi ni Wilma sa kanyang Instagram account ang napakagandang prenup photos nila ng kanyang non-showbiz fiancee na si Gerick Livelo Parin. Matatandaan na noong nakarang taong 2021 buwan ng Hulyo nang alukin ni Gerick ng kasal si Wilma na naganap sa isang outdoor event.

CREDITS: Wilma Doesnt |IG

At para nga sa nalalapit nilang pag-iisang dibdib, ay isang prenup photoshoot ang kanilang ginawa. Makikita nga sa mga larawan na talagang lumutang ang angking kagandahan ni Wilma. Sa caption naman ng kanyang post, ay hindi naman nawala ang kanyang pagiging komedyante.

CREDITS: Wilma Doesnt |IG

Bungad nga ni Wilma sa kanyang post, sa wakas nga raw ay may maganda na silang kuha ng larawan na pwede niyang ilagay sa kanyang wallet.

“Happy friday! Oh diba! Finally! May maganda na kaming picture together na hindi ako basa! May mailalagay na ako sa wallet ko!”

Pag-amin pa nga ng magandang modelo, ay naghintay siya ng 15 na tao para sa prenup photoshoot na ito.

“15 years ang hinintay ko para sa pic na ito noh! Salamat sa lahat ng tumulong sa amin.”

CREDITS: Wilma Doesnt |IG

Pinasalamatan rin ni Wilma ang mga taong naging instrumento para mabigyang katuparan ang matagal na niyang pangarap na prenup photoshoot. Pagbibiro pa nga nito, ay isa siyang modelo at hindi rock climber.

“Photo-Chuckie Jude Samonte Zabella salamat sa walang sawa mong pagpapa-akyat sa akin sa mga bato. Model ako ha, hindi rock climber!
Video-Forevermine Wedding Films na feeling niya ‘yung mga bato ay patag para patakbuhin kami ng naka-paa!”

“Stylist-Omar Sali na sana ang gusto namin ni bebelub ay simple at shorts lang..but no! Ikaw na ang nag decision kaya wala kami choice!!”

Makikita naman sa bawat larawan ang masayang ngiti ni Wilma na nagpapatunay kung gaano siya kasaya sa piling ng kanyang soon to be husband. At hindi rin naman maikakaila ang tunay na pag-iibigan ng dalawa sa kanilang mga titig na talaga namang puno ng pagmamahal.

CREDITS: Wilma Doesnt |IG

Sa wakas nga, ay tila natagpuan na ni Wilma ang kaligayahang hinahanap ng kanyang puso matapos ang kabiguan sa mga nauna niyang karelasyon. Si Wilma ay nagkaroon ng tatlong anak sa kanyang mga naunang karelasyon, sina Asiana, Emilia, at Araion. Ang kanyang anak na si Asiana ay minsan nang lumikha ng ingay sa social media matapos masilayan ng publiko ang taglay nitong kagandahan.

error: Content is protected !!